-- Advertisements --

Game na sinunod ni Rhian Ramos ang puna at batikos sa kaniya sa social media.

Sa kaniyang social media account, nag-screenshot siya ng isang comment mula sa followers kung saan sinabihan siya na mukhang Petrang Kabayo at narapat na maghugas na lamang siya ng pinggan.

Sagot pa ng actress na sa post ay madali itong kausap kung saan nagpost ito habang naghuhugas ng pinggan.

Hinangaan ito ng ibang mga fans at kapwa artista sa ginawa nitong reaksyon sa nasabing post.