-- Advertisements --

Pinangalanan na ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na nangungunang partido ng adminsitrasyon si Sen. Ramon Revilla Jr. bilang opisyal na kandidato sa pagkasenador sa May 2025 midterm polls.

Nakapaloob ang nominasyon ni Revilla sa inaprubahang Resolution No. 3 sa ginawang national convention ng partido na ginawa sa Aguado sa Aguado in Malacañang  sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, presidente ng partido.

Kasama rin sa inaprubahan ang Resolution Nos. 1 at 2, na nagtatgalaga ng mga regional chairman at pagbibigay otorisasyon sa secretary general ng partido na si Agusan del Norte Rep. Jose Aquino ll, sa isumite sa Commission on Elections (Comelec) ang otorisadong signatories at kanilang specimen signatures para sa nominasyon ng mga kandidato sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang mensahae sa mga kapartido, sinabi ni Speaker Romualdez na aanib ang Lakas-CMD na kaniyang pinamumunuan bilang presidente, sa alyansa ng administrasyon na susuprota sa mga kandidato sa halalan sa Mayo.

Dadag pa ng lider ng Kamara na mananatili ang Lakas-CMD bilang maasahang katuwang ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga polisiya at reporma para sa benpisyo ng mga Pilipino.

Bilang partido politikal ay isinusulong ng Lakas-CMD ang mga idelohiya ng matatag na republika, prinsipyo ng pag-unlad at pagpapabuti ng sistemang political, ekonomiya at socio-political para sa lipunan.

Nagpasalamat si Revilla sa Lakas-CMD sa pagtitiwala sa kaniyang bilang senatorial candidate ng partido.


Itinalaga naman bilang regional chairmen sina Reps. Ramon Guico Jr. para sa Region I (Ilocos provinces), Antonio Albano para sa Region II (Cagayan Valley), Geraldine Roman para sa Region III (Central Luzon), Lani Mercado-Revilla para sa Region IV-A (Calabarzon), Arnan Panaligan para sa Region IV-B (Mimaropa), Joey Sarte Salceda para sa Region V (Bicol), Emarie Ouano-Dizon para sa Region VII (Central Visayas); Gerryboy Espina para sa Region VIII (Eastern Visayas), Jurdin Jesus Romualdo para sa Region X (Northern Mindanao), Maricar Zamora para sa Region XI (Davao provinces), Ma. Alana Samantha Santos para sa Region XII (Socsargen), Secretary General Aquino para sa Region XIII(Caraga), Yasser Alonto Balindong para sa Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Marvin Rillo para sa Metro Manila (National Capital Region).

Magsisilbi ring regional chairman sina Zamboanga City Mayor John Dalipe para sa Region IX (Zamboanga Peninsula), Agrarian Reform Undersecretary Jersy Palmares para sa Region VI (Western Visayas) at Kalinga Gov. James Edubba para sa Cordilleras.

Ang tatlong resolusyon ay nilagdaan ng mga opisyal ng partido sa pangunguna nina Senator Revilla, Chairman, at Speaker Romualdez, Presidente.