-- Advertisements --
image 85

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga ang revamp o pagbabago sa mga namamahala sa mga Regional Offices nito.

Ito ay kasunod na rin ng umano’y mga reklamo ukol sa inefficiency at complacency o hindi epektibong pamamahala sa ilan sa mga nasabing opisina.

Dahil dito, asahan ang pagbabago sa liderato ng mga regional offices na kinabibilangan ng Eastern Visayas(R8), Zambuanga Peninsula(R9), MIMAROPA(R4-B), Northern Mindanao(R10),

Kasama rin dito ang Environmental Management Bureau(EMB) sa Central Luzon at Eastern Visayas Region.

Apektado rin sa nasabing revamp ang iba’t ibang mga provincial offices ng DENR.

Ilan sa mga opisyal na papalitan sa mga nasabing rehiyon ay ang kanilang mga Regional Executive Director, Assistant director, at Provincial Environment and Natural Resources Officers ng ilan sa mga probinsya na nasa ilalim ng mga nabanggit na rehiyon.

Mismong si Sec. Loyzaga ang nag-anunsyo sa mga nasabing pagbabago. Samantala, ang ilan sa mga opisyal na inalis mula sa ibang rehiyon ay dinala sa ibang mga rehiyon sa bansa.