Binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na kailangang mabigyan ng suporta ang mga nagretirong atletang Pinoy.
Ayon kay Romualdez, isa si Lydia de Vega sa “greatest at most decorated Filipino athletes” ng bansa na nagbigay ng karangalan sa ating bansa na nag-uwi ng maraming medalya sa Southeast Asian Games, Asian Games at Asian Athletics Championships.
Inalala din nito at kinilala si De Vega bilang Asia’s fastest woman matapos na magwagi sa 100-meter dash noong 1982 at 1986 Asian Games.
Ang pagpanaw aniya ni De Vega ay nagpapakita ng pangangailangan para sa gobyerno at private sector na suportahan ang mga Pilipino atleta hindi lamang kapag ang mga ito ay healthy at physically able para makipag-compete para sa ating bansa kundi gayundin sana kapag ang mga ito ay nasa retirement na.
Nagpaabot din ang House speaker ng dasal at pakikidalamhati sa pamilya ni De Vega.