CEBU CITY – Patay ang isang retired police officer matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) at Cebu City Police Office (CCPO) sa isang operasyon sa may Sitio Hoyong-Hoyong, Brgy. Mambaling, lungsod ng Cebu.
Napag-alamang subject sa naganap na operasyon kahapon si Retired SPO4 Alexander Dalion, 58-anyos at residente ng nasabing lugar.
Matapos na maghain ang operatiba ng search warrant laban sa subject, daling binunot ni Dalion ang kanyang barili ngunit naunahan umano ito matapos itong barilin ng mga pulis.
Ayon kay PDEA-7 Director Levi Ortiz na konektado umano ang high-value-target na si Dalion sa grupo ng kilalang sindikato na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.
Nakapag-dispose naman ang nasabing pulis ng isang kilong shabu linggu-linggo at nasa Cebu City ang area of distribution nito.
Dinala agad sa pagamutan ang subject ng operasyon dahil sa tinamo nitong gunshot wounds ngunit namatay ito kinalaunan.
Narekober naman ng PNP at PDEA ang mga baril at 200 grams ng pinaniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.