-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang retiradong pulis at sugatan ang kanyang kasama sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si retired SPO4 Ricardo Audencia Pradas,66 anyos,may asawa at sugatan naman ang kasama nito na si Regalado Salazar,49 anyos at mga residente ng Barangay Kauran Ampatuan Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na lulan ang mga biktima sa isang kulay itim na mini van sa bahagi ng national highway sa Purok 5 Barangay Kauran Ampatuan Maguindanao ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Ampatuan.

Patay on the spot si SPO4 Pradas ng tamaan ng bala sa kanyang ulo habang naisugod si Salazar sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.

Pagnanakaw ang motibo ng mga suspek dahil tinangay nito ang slig bag ni Pradas na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Ampatuan PNP sa pamumuno ni Captain Jemu Ramolete sa pamamaril sa mga biktima.