-- Advertisements --

Matagumpay na naisagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang resupply mission para sa mga mangingisdang Pilipino sa may Iroqouis Reef sa West Philippine Sea.

Ang BRP Datu Sanday ang barkong ginamit ng BFAR team sa paghahatid ng mga pagkain, 13 tonelada ng diesel at gasolina para sa pump boats, gamot, maiinom na tubig, at ready-to-eat snacks para sa 16 na Pilipinong maningisda na nandoon sa naturang reef.

Wala namang presensiya ng chinese vessels sa naturang lugar sa kasagsagan ng resupply mission.

Sa nakalipas kasi pagkakataon, pumapalo sa 30 Chinese vessels kabilang ang maritime militia vessels ang namataan sa may paligid ng Iroqouis reef.

Gayundin, ang aircraft ng BFAR na umalalay sa BRP Datu Sanday ay hindi nakatanggap ng anumang radio challenge.

Samantala, sa pananatili ng BRP Dati Sanday sa lugar, mayroong 8 mother boats sa lugar kung saan may tinatayang kabuuang huling isda ang mga mangingisda doon sa Iroqouis reef na 12 tonelada.