-- Advertisements --
ayungin shoal

Inihayag ng Western Command (Wescom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagawa nilang tapusin ang panibagong resupply mission sa mga tropa na namamahala sa BRP Sierra Madre na naka-ground sa Ayungin Shoal, sa kabila ng patuloy na pag-anino at hamon ng mga Chinese militia sa barkong pang-supply ng Pilipinas.

Ayon kay Major Cherryl Tindog, tagapagsalita ng AFP Western Command,
isinasaalang-alang umano nila ito bilang isang encroachment sa teritoryal na tubig at paglabag sa mga karapatan sa soberanya ng bansa.

Idinagdag niya na habang ang mga sasakyang pandagat ng China ay hindi nakagambala sa misyon, sila ay patuloy na nag-aayos upang mag re-supply.

Idinagdag niya na ang mga radio challenges ng China ay nag-claim na ang dagat malapit sa barko ng Pilipinas ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng People’s Republic of China, na pinahihintulutan nilang maihatid ang mga supply, at nagbabala na ang pagdadala ng mga materyales sa konstruksiyon ay hindi papayagan.

Kaugnay niyan, ang mga supply boat ng Pilipinas, sa kabilang banda, ay tutugon at magpapatuloy sa kanilang planong ruta sa kabila ng mga hamon.

Kung maaalala, noong Abril, hinarang ng China ang entrance ng Ayungin Shoal gamit ang mga lambat at lubid at nagtalaga ng mga sasakyang pandagat ng militia ng China at paulit-ulit na nagbabala laban sa pagdadala ng mga materyales sa nasabing konstruksiyon