-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Makati Bureau of Fire Protection (BFP), matapos sumabog ang tangke ng LPG sa labas ng isang restaurant.
Matatagpuan ang Indian restaurant sa Gil Puyat Avenue sa Makati City.
Hindi naman nasunog ang establishimento ngunit nawasak ang ilang bahagi nito dahil sa malakas na impact ng pagsabog.
Nagpapasalamat naman ang mga otoridad na walang nadamay mula sa mga dumaraan sa nabanggit na lugar.