Tiniyak ni House Appropriations Committee chairman Eric Yap na hindi makakaapekto sa nakatakdang budget deliberations ng Kamara ang biglaang pagbitiw sa puwesto ni Budget Secretary Wendel Avisado.
Marami naman kasi aniyang “capable” sa loob ng Department of Budget and Management (DBM) na maaring pumalit kay Avisado tulad na lamang ni Undersecretary Tina Rosemarie Canda, na tumatayo bilang Officer-in-Charge ng kagawaran.
Sinuman aniya ang maitatalagang bagong kalihim ng DBM, kumpyansa si Yap na magiging matiwasay ang deliberasyon sa 2022 proposed budget.
Kaya naman nakikita ni Yap na mauapasa pa rin ang panukalang pondo para sa susunod na taon nang sakto sa oras sa pamamagitan na rin ng suporta mula sa mga kapwa niya kongresista.
Sa kabilang dako, suportado rin ni Yap ang pagbitiw sa puwesto ni Avisado sapagkat ito ay para na rin sa ikabubuti ng kalusugan nito.