-- Advertisements --
Screenshot 2020 04 25 17 57 02

GENERAL SANTOS CITY – Pinadalhan ni Barangay Balu-an Kapitan Arman Diamante ng nguso ng inihaw na baboy ang isang residente na sawa na sa pagkain ng sardinas.

Dumating kay Kapitan ang reklamo ng isang residente sa kanyang Barangay na hindi umano makain ng pusa ang sardinas na pinamigay ng barangay.

Kagabi nagpa-ihaw ang barangay ng maraming baboy para ipamigay sa mga residente at pinareserba ng kapitan ang karne at pinadala sa kanyang purok chairman.

Matatandaang marami ang nagreklamo na hindi nabigyan ng food packs matapos kinulang nireserba ng barangay at local government units (LGUs).

Dagdag ng kapitan, ngayong Lunes magsisimula na ang pamimigay ng ika-limang wave ng food packs.

Mamimigay din umano ng tig-iisang kilo ng karne at isda ang LGU para sa lahat ng residente nitong lungsod.