Suportado ng Republican chairman ng US House of Representatives Foreign Affairs Committee ang pagpopondo para sa US-allied Pacific Island nations bilang paraan upang kontrahin ang impluwensya ng China, at isulong na isama sila sa anumang supplemental security aid bill.
Ito ang inihayag ni Representative Michael McCaul.
Sumang-ayon ang Federated States of Micronesia, Marshall Islands, at Palau sa bagong 20-year funding program kasama ang Estados Unidos noong nakaraang taon kung saan ang Washington ay nagbibigay ng economic assistance habang nakakakuha ng exclusive military access sa estratehikong bahagi ng Pasipiko na hinahangad ng China.
Ngunit sa kabila ng bipartisan support para sa mga bagong programa, na kilala bilang Compacts of Free Association, o COFAs, hindi pa inaprubahan ng Kongreso ang pagpopondo, kahit na ang karagdagang halaga na kasalukuyang kailangan ay medyo maliit na $2.3 bilyon.
Sinabi ni McCaul na nagtaguyod siya ng $900 million package para sa COFA, ngunit bukas sa iba pang mga numero.