-- Advertisements --

Tuluyan ng umatras sa pagtakbo bilang US President si dating South Carolina Governor Nikki Haley.

Isinagawa ni Haley ang anunsiyo matapos ang pagkabigo niya sa tinaguriang “Super Tuesday” na primary elections sa 17 estado.

Binati ni Haley si Trump subalit hindi niya ito inindorso.

Dahil dito ay tiyak na si dating US President Donald Trump na magiging representative ng Republican party sa halalan sa buwan ng Nobyembre.

Ang nasabing halalan sa Nobyembre ay tila isang rematch kay US President Joe Biden at Trump noong 2020.