-- Advertisements --

Sisikapin umano ng Department of Justice (DoJ) na mailabas ang report hinggil sa war on drugs ng gobyerno.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, tiwala silang mabubuo ang kanilang inisyal na ulat sa loob ng buwang ito.

Paliwanag ni Guevarra, natagalan ang kanilang imbestigasyon hinggil sa mga anti-drug operations ng mga otoridad dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Matatandaang ang DoJ ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nakatutok sa mga anti-drug operations ng pulisya dahil sa alegasyong may extra judicial killings.