-- Advertisements --
Senator Angara

Inihayag ni Senator Sonny Angara na dapat isagawa ang mga reporma sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng technical glitch na nakaapekto sa daan-daang flight noong unang araw ng bagong taon.

Ang pagkawala ng kuryente ay humantong sa pagsasara ng mga air navigation facility ng Civil Aviation Authority of the Philippines na naapektuhan ang humigit-kumulang 65,000 mga pasahero.

Aniya, ang technical glitch na naganap noong January 1 ay isang wake-up call para sa lahat tungkol sa pangangailangang tugunan ang mga gaps sa air transport system.

Tatalakayin ng Senate Committee on Public Services ang nasabing sa darating Enero 12.

Dagdag ni Angara, ang pagsisiyasat ay dapat umanong tumutok sa pagtukoy ng pananagutan at pagtiyak na ang mga nauugnay na sistema at institusyon ay may kapasidad at may kapangyarihan upang maghanda sa pagtugon sa mga ganitong sitwasyon.

Ang Senate Bill No. 1003, o An Act Strengthening Civil Aviation Authority of the Philippines , na inihain ni Angara noong nakaraang taon, ay kabilang sa mga hakbang na tatalakayin sa pagdinig.

Sa ilalim ng panukala, ang tourism chief at ang national defense secretary ay isasama sa board at dalawang kinatawan mula sa pribadong sektor.

Una na rito, ang panukalang batas ni Senator Sonny Angara ay nananawagan din sa pagbubukod ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa saklaw ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations law at ang Salary Standardization law.