-- Advertisements --

Isinusulong ng isang mambabatas ang pagkakaloob ng one-time cash subsidy ng P5,000 sa mga newly graduates bilang suporta habang naghahanap ng mapapasukang trabaho.

Ayon kay deputy speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar, nakasaad sa House Bill 6542 o ang proposed fresh graduates p5,000 one-time cash grant act, dapat na bigyan ng financial aid ang lahat ng fresh graduates sa Pphilippine tertiary institutions, colleges, universities, at sa mga training institutions.

Layon nito na magkaroon sila ng initial expenses para sa kanilang transportation at mga kinakailangang aplikasyon.

Pahayag ni Villar, marami sa mga bagong graduates ang nahihirapan sa pag-aaplay ng trabaho dahil sa kawalan ng sapat na pinansyal na magagamit para sa pagkuha ng employment applications, na sinabayan pa ng pagsirit ng halaga ng pasahe at mga bilihin.

Sakaling maisabatas, lahat ng nais mag-avail ng cash aid, maaring magtungo lamang sa kanilang mga lokal na pamahalaan o mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at magpakita ng kopya ng diploma o kahit na anong valid proof of graduation na inisyu ng kanilang pinanggalingang educational institution.

Pangungunahan naman ng ched ang bubuuing interagency monitoring committee na siyang lilikha ng implementing rules and regulations at magmomonitor sa compliance ng ibat-ibang concerned agencies.

Aiinsunod sa panukala, idedetermina ng kongreso ang akmang pondo na kakailanganin ng ched para sa implementasyon nito.