-- Advertisements --
Screenshot 2019 11 18 09 41 48 97

Pinangalanan si Rep. Florida “Rida” Robes ng San Jose del Monte, Bulacan bilang vice chairperson ng House Committee on Transportation, kamakailan.

Ang naturang komite ay tututok sa lahat ng mga bagay may kinalaman sa land, sea at air transportation at sa lahat ng public utilities and services.

Chairperson ng nasabing komite si Samar 1st District Rep. Edgar Sarmiento.

Ayon kay Robes, welcome sa kanya ang malaking hamon na ito para tugunan ang pinaka-kritikal na bahagi ng nation building.

“When it comes to transportation concerns, I definitely think the most urgent matter is the country’s ability to provide mass transportation options to the people,” ani Robes.

Dagdag pa ng mambabatas, dahil sa lumalalang kondisyon ng mass transportation sa Metro Manila ay mas higit na kailangan ngayon ang dagdag na atensiyon para tugunan ito.

“As the capital region, it sets the bar for the rest of the country. All eyes are on NCR. Of course, we should also look at the best practices of other highly urbanized locales in the country to try and alleviate Metro Manila’s traffic and road infrastructure issues,” paliwanag pa ni Robes.

Dapat din aniya pairalin ang “holistic perspective” sa pagresolba sa problema sa transportasyon.

“Banning certain types of vehicles or regulating traffic on specific roads give us temporary relief. However, we need to come up with long-term measures. We have to consider all other factors involved. For instance, if we say that private cars should be banned so people will be forced to use PUVs, then we have to make sure that those options won’t be torture for them. You can’t solve one problem by creating more problems for others,” ayon pa sa kongresista.

Si Robes ay miyembro ng anim na iba pang komite sa Kamara.

Siya ang chairperson ng House Committee on People Participation.

Nagsisilbi din siyang vice chairperson ng committees on Ethics and Privileges at Housing and Urban Development.

Samantala, miyembro din si Robes ng Mayorya sa mga komite na tumatalakay sa Foreign Affairs, Basic Education and Culture at Interparliamentary Relations and Diplomacy.