-- Advertisements --

Binati ni Northern Samar 1st District Representative Paul Daza si dating congressman at ngayon ay Department of Social Welfare and Development office Secretary Rex Gatchalian.

Siniguro ni Daza ang kaniyang suporta sa dating mambabatas na sinabing extremely qualified sa nasabing pwesto.

“I am overjoyed to extend my sincerest congratulations to Secretary Rex Gatchalian on his appointment as the new Department of Social Welfare and Development Secretary,”pahayag ni Rep. Daza.

Ayon sa beteranong mambabatas, hindi matatawaran ang pagiging public servant ng dating mambabatas at napatunayan niya ito sa kaniyang tatlong terminong Alkalde ng Valenzuela City na lubos na pinagbuti ang Serbisyong Pangkalusugan at Panlipunan sa kanyang nasasakupan.

Dagdag pa ni Daza, ang huwarang pagganap ni Gatchalian bilang alkalde ng Valenzuela, lalo na sa panahon ng pandemya, ay nagpakita ng kanyang pag-unawa sa mga problema sa komunidad at ang kanyang pangako sa serbisyo publiko.

Bilang kaniyang kapwa Congressman sa House of Representatives at bilang kanyang kaibigan, tiwala si Daza na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang DSWD ay gagabayan ng parehong propesyonalismo at habag na nagbigay-kahulugan sa kanyang matagumpay na karera na maaari niyang gayahin sa paghawak ng mga programang panlipunan at pagsugpo sa kahirapan ng bansa.