Inalmahan ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang paratang na political harassment kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng nakanselang peace rally ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Bustos, Bulacan noong Linggo.
Ayon kay Khonghun, miyembro ng Young Guns sa Kamara, unfair kay Pangulong Marcos na paratangan ng naturang akusasyon.
Ipinunto ni Khonghun na hindi nagpapa-apekto ang Pangulo sa samaan ng loob nina Vice President Sara Duterte at maybahay nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Inihayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na tila hina-harass ng gobyerno ang nakalipas na administrasyon.
Nagsilbi si Harry Roque sa gabinete ni Duterte.
Tumakbo ito noong May 2022 senatorial election sa ilalim ng Uniteam ni Pangulong Marcos ngunit natalo.