-- Advertisements --

Minamadali na ng pamahalaan ang pagpa-plantsa sa mga pasilidad na gagamitin ng mga atleta sa gaganaping 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas.

Ito ang inamin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya rig chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation, Inc. sa isang press conference nitong araw.

Ayon kay Cayetano, hindi pa tapos ang renovation ng ilang sporting facilities na gagamitin gaya ng Ultra Sports Complex at Rizal Memorial Sports Complex na kabilang sa mga mahahalagang venue.

Gayunpaman inaasahan naman daw na matapos ito bago mag-Oktubre.

Isa sa mga dahilan ng delay ayon kay Cayetano ang hindi kaagad pagkakapasa ng 2019 national budget.

Sa kabila nito sinabi ng kongresista na may assurance mula sa mga contractor na may hawak sa renovation matatapos ito sa lalong madaling panahon.

Nabatid na bukod sa mga kinukompuning pasilidad, nagtayo rin ang gobyerno ng athletic at aquatic centers at isang 500-room dormitory.