-- Advertisements --

Department of Justice Sec. Remulla, pinaalalahanan ang European Union parliamentarians na kanyang nakapulong

Nanindigan si Department of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi puwedeng manduhan ng European Union parliamentarians ang Pilipinas na humarap sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Remulla, tapos na ang panahon na sinakop ang Pilipinas ng isang bansa mula sa Europa.

Paliwanag ng kalihim, maari silang magusap hinggil sa isyu subalit hindi pupwede na pupwersahin nila ang Pilipinas na humarap sa International Criminal Court dahil hindi na miyembro ang bansa ng rome statute.

Isinagawa ang pagpupulong kanina lamang.