Iniulat ng Banko Sentral ng Pilipinas ang bahagyang pagtaas sa remittances ng mga Overseas Filipino Workers nitong buwan ng Mayo.
Ang nasabing pag-angat kasi ay mas mataas ng dalawang porsyento kumpara sa 2% na naitala noong Mayo ng taong 2022.
Gayonpaman, mas mababa naman umano ito kumpara sa 3.8% na naitala ng bansa nitong buwan ng Abril.
Ayon sa BSP, ang naitalang pagtaas ng maney transfer mula sa mga overseas filipinos ay kapwa mula sa land-based at sea-based workers.
Para sa unang limang buwan na overseas remittance, nakapagtala ang bansa ng kabuuang $14.46Billion. Ito ay mas mataas ng 3.1% kumpara sa $14.02Billion noong Enero hanggang Mayo ng nakalipas na taon.
Ang OFW remittance ang isa sa mga malalaking contributor para sa kabuuang ekonomiya ng Pilipinas.