Bumaba ang remittance inflows mula sa mga overseas Filipino sa buwan ng Enero kasunod ng record-high na naitala sa mga nakaraang buwan, ayon sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang mga cash remittances na mga paglilipat ng pera sa pamamagitan ng mga bangko ay umabot sa $2.7 bilion na mas mababa kaysa sa makasaysayang $3.1 billion noong Disyembre 2022 na mas mataas kaysa sa $2.6 billion noong Enero 2022.
Ang pagpapalawak ng mga cash remittances ngayong Enero 2023 ay dahil sa paglaki ng mga resibo mula sa mga land- and sea-based workers.
Sa mga pinagmumulan ng bansa, ang Estados Unidos ay umabot ng 41.9% ng kabuuang remittances para sa buwan, sinundan ng Singapore na may 7.2%, Japan at Saudi Arabia na may tig-5.9%.
Ang personal remittances naman ng Pilipinas ay naitala sa kabuuang $3 billion na mas mababa sa sa $3.4 billion noong buwan ng Disyembre taong 2022.










