-- Advertisements --
Inaayos na ng UFC ang rematch sa pagitan nina Nate Diaz at Jorge Masvidal.
Ito mismo ang kinumpirma ni UFC president Dana White kung saan nais ni Masvidal na idepensa ang kaniyang belt laban kay Diaz.
Nagharap ang dalawa noong Nobyembre 2019 sa Madison Square Garden sa New York kung saan nagwagi si Masvidal sa third-round technical knockout para makuha ang “BMF” belt of “Baddest Motherfu#@r” na ginawa ng UFC para sa nasabing laban ng dalawa.
Mula noon ay hindi na nagkaroon pa ng laban si Diaz habang si Masvidal ay noong Hulyo kung saan tinalo siya ni Kamaru Usman sa pamamagitan ng unanimous decision.