-- Advertisements --

Nakahanda na ngayon ang lugar na magsisilbing relocation site para sa mga indibidwal na apektado ng pagguho ng lupa sa barangay Masara, Maco, Davao de Oro.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng provincial government ng Davao de Oro hinggil sa mahigpit na pagpapatupad nito ng “No-build zone” policy matapos ang naganap na malawakang landslide sa lugar na naglibing ng buhay sa 92 mga biktima.

Kasabay nito ay nagbigay din ang pamunuan ng Department of Education sa mga bakwit ng 15 araw na pananatili sa mga paaralan sa lugar bilang evacuation center.

Kaugnay nito ay nakahanda na rin ang mga apektadong residente na lumipat sa temporary shelter na inihanda ng lokal na pamahalaan para sa kanila.

Ang naturang relocation site ay matatagpuan sa Barangay Elizalde sa Davao de Oro.