-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Tinutulan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang mungkahing gawing national road ang ilang pangunahing kalsada sa isla ng Boracay.

Tinalakay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panukala sa konseho para sa conversion ng Boracay circumferential road at ang mga alternatibong kalsada sa Brgy. Manocmanoc, Balabag at Yapak.

Ayon kay SB member Dante Pagsuguiron, tinanggihan nila ang panukala ng DPWH dahil sa ipinatupad na 12-meter road setback nang isinailalim sa rehabilitasyon ang isla, kung saan, maraming commercial establishments at iba pang imprastraktura ang tinibag sa ikinasang clearing at road widening operations.

Iginiit ng DPWH-Aklan na qualified ang mga lugar kung saan nakatayo dati ang mga tinibag na imprastraktura para ma-convert bilang national road.

Sakaling matuloy ang balak na ito, ang national government umano ang maglalagay ng pondo para sa maintenance at repair ng nasabing mga kalsada.