-- Advertisements --
image 136

Tinawag naman ni dating Presidential spokesperson Salvador Panelo bilang political propaganda ang kasong kriminal na inihain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inisyu ni Panelo ang naturang pahayag matapos na ipag-utos ng QC Prosecutor’s Office sa dating Pangulo na humarap at sagutin ang reklamo laban sa kaniya na itinakda sa Disyembre 4 at 11 ng kasalukuyang taon.

Iginiit din ni Panelo na nagsilbing spokesman ni former Pres. Duterte at chief presidential legal counsel na walang legal na basehan ang reklamong inihain laban sa dating Pangulo.

Paliwanag pa nito na walang pagbabantang ginawa ang dating Pangulo sa kaniyan programa. Ang sinabi umano ni Duterte na mga komunista na nais niyang patayin ay isang expression ng pagnanais ay hindi isang krimen.

Matatandaan na noong Oktubre 24, inihain ni Rep. Castro ang reklamong grave threat laban kay dating Pangulong Duterte may kaunayan sa Cybercrime Prevention Act.