-- Advertisements --
koko pimentel 1

Inatasan ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.

Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang reklamo.

Ang reklamo ay inihain sa DoJ ng dating Makati School of Law Dean Rico Quicho matapos itong pumasok sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang asawa kahit nakakaranas ito ng mga sintomas ng covid at kinalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit.

Nitong Setyembre nang buksan muli ang preliminary investigation sa reklamo matapos matanggap ng DoJ ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ni National Bureau of Investigation (NBI) at makapagbigay ng karagdagang mga dokumento sa nasabing kontrobersiya.

Abil 5, 2020 nang nagsampa ng reklamo sa DoJ si Quicho dahil umano sa paglabag ni Pimentel sa RA11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at iba pang patakaran ng Department of Health (DoH).