Naniniwala ang pamahalaang lokal ng Taguig na isang “publicity stunt” ang kaso na inihain laban kay Taguig City Mayor Lani Cayetano at sa iba pang opisyal ng siyudad.
Ayon sa opisyal na pahayag ng pamahalaang lokal ng Taguig na ang nasabing reklamo ay gawa-gawa lamang ng kanilang counterparts sa Makati.
Bago kasi inihain ang reklamo sa piskalya ay binigyang muna ng kopya ang mga miyembro ng media at nagpalitrato muna ang mga umano’y nagrereklamo, kaya malinaw ito na isang publicity stunt.
Inihayag ng pamahalaang lokal ng Taguig na inatasan nito ang ilang empleyado ng Makati na maghain ng reklamo laban kay Mayor Lani Cayetano at sa iba pang mga opisyal ng siyudad.
Ginagamit umano ng Makati ang kanilang mga empleyado para magsinungaling at nilalagay pa ang mga ito sa posibleng legal consequences.
Magugunita na apat na empleyado ng Makati City ang naghain ng kasong illegal detention and grave coercion laban sa alkalde at iba pang opisyal ng Taguig dahil sa pag padlock nito sa Makati Park and Garden at Makati Aqua Sports dahil sa nag-ooperate ito ng walang permits.
SIniguro naman ng Taguig na kanilang sasagutin ang nasabing demanda sa sandaling kanila ng matanggap ang kopya ng reklamo.
Ipinunto ng Taguig na patuloy na nambu bully ang Makati kahit nagdesisyon na ang Suprement Court na ang 10 EMBO Barangays ay nasa ilalim ng jurisdiction ng Taguig at hindi sa Makati kabilang ang parke na pinadlock ng Taguig.
Binigyang-diin ng Taguig na iligal na kumukulekta ng buwis ang Makati at maging sa ibang bayarin tatlong dekada na ang nakakalipas