-- Advertisements --

Isinagawa ngayong umaga ang wak-through o rehearsal ng rota ng parada ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Simbahan, iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at mga organisasyon ng Walk-through sa Quirino Grandstand.

Bahagi ito ng paghahanda ng muling pagbabalik ng traslacion kasabay ng kapiyestahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2024.

Magsisimula ang parada sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Minor Basilica ng Itim na Nazareno o Quiapo Church.

Ilan sa mga pagbabago na ipapatupad sa susunod na taon ay ilalagay na sa isang salamin na sasakyan ang imahe ng Itim na Nazareno at bawal na rin itong hawakan habang ito ay nasa parada.

Magugunitang dinadagsa ng mga tao ang Traslacion ng Itim na Nazareno.