Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon at muling konstruksyon ng transcendtal road sa Marawi City.
Ayon kay DPWH Usec. Emil Sadain, may habang 18.9-kilometers ang unang bahagi ng proyekto.
Pinondohan ito ng gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) sa halagang P970-milyon.
“It’s all systems go for the rehabilitation of Marawi roads, with essential heavy equipment working on multi-site preparatory works,” ani Sadain.
Nahati sa tatlo ang first stage ng proyekto: 9.42-kilometers, 5.45-kilometers, at 4.11-kilometers.
Nitong Linggo nang magsimula ang konstruksyon ani Sadain.
Inaasahang matatapos sa loob ng 21 buwan ang unang phase ng naturang 18.9-kilometer road reconstruction.
Ang dalawang natitirang phase ng proyekto naman ay naka-depende sa pondo ng Road Network Development Project in Conflict-Affected Areas in Mindanao at Asian Development Bank.