CAGAYAN DE ORO CITY – Gaganapin na naman ngayong araw ang ikatlong pangkat ng Dugong Bombo New Normal 2020.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, local government unit (LGU) ng lungsod at Philippine Red Cross.
Ngayong araw, patuloy na isinasagawa ang blood letting activity sa covered court ng Brgy. Macabalan nitong lungsod.
Ayon kay City Health Office head Dr Lorraine Nery malaki ang kanyang pasasalamat dahil naging katuwang ng LGU ang Bombo Radyo Philippines sa paglikom ng maraming dugo nitong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Aniya, hindi rin dapat maging hadlang ang kinakaharap na pandemya upang magsagawa ng blood letting activity bilang sagot sa kinukulang na suplay ng dugo.
Napag-alaman na maraming mga blood donors ang natuwa at sumusuporta sa pagsagawa ng Dugong Bombo 2020 lalo na ngayong pandemya.