-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Idineklarang persona-non-grata ng Butuan City Council si Department of Trade and Industry (DTI) Caraga Regional Director Brielgo Pagaran.
Ayon kay city councilor Cromwell Nortega sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, naaprubahan sa kanilang special session ang resolusyong nagdeklara ng personan non grata kay Pagaran dahil masakit na pahayag umano nito sa social media na umatake kay Mayor Ronnie Vicente Lagnada.
Dagdag pa ni Nortega, maraming mga batikos na umano ang natanggap ng administrasyon ngunit ngayon lamang sila nagpasa ng resolusyon dahil below the belt na ang pang-aatake nito sa nasabing mayor.










