Ibinasura ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration ng higit 800 lending companies matapos mabatid na nago-operate nang walang lisensya.
Ayon sa Corporate Governance and Finance Department ng SEC, hindi nakakuha ng Certificate of Authority to Operate ang mga naturang korporasyon at partnership kaya hindi sila maaaring lumakad bilang lending company.
Sa ilalim ng Lending Company Regulation Act, kailangang ma-establish bilang corporation ang isang kompanya, gayundin na dapat may authorization to operate ito mula sa SEC.
Mahaharap sa parusa na hanggang 10 taon na pagkakakulong ang sino mang mapapatunayang nag-operate na lending company nang walang kaukulang certification.
May multa rin ito na aabot ng hanggang P50,000.
“Lending companies could play an important role in realizing the aspiration of Filipinos for a comfortable life by providing them access to funds for unforeseen and emergency expenses, major purchases as well as investments in their future,” ani SEC chair Emilio Aquino.
“To protect both the integrity of legitimate lending companies and the interests of borrowers, the Commission will remain relentless in going after informal lenders as well as those engaging in predatory, abusive and unfair lending practices.”
Nitong July 4 nang ibaba ng SEC ang desisyon matapos magkasundo ang en banc.