-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 06 57 29

Tinatarget ngayon ng Department of Environment and Natural Resources na iparehistro ang mga small-scale miners at bumuo ng organization para i-formalize ang operations ng mga ito.

Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, ang kanilang plano ay sasailalim sa Minahang Bayan registration na una nang naitatag noong Abril 2015 matapos ang ipinatupad na implementing rules and regulations ng nirebisang People’s Small-Scale Mining Act of 1991 .

Paliwanag ng DENR, kinakailangang maorganisa ng mga small-scale miners ang kanilang mga sarili sa mga kooperatiba upang matiyak ang technical capability at financial resources na aayon sa buwis at iba pang structural requirements.

Kung maaalala, noong taong 2022 ay mayroong direktiba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-legalize ang small-scale mining operations.

Ito ay sa kadahilanang maraming small-scal mining firms ang ilegal dahilan kung bakit walang proteksyon ang mga minero sa bansa.

Layunin nitong mapalakas pa ang regulatory framework ng mga ito para sa kanilang legal na pag o-operate, at mabigyan ang mga minero ng tulong at proteksyon para sa ligtas na pagtatrabaho.