Pinakikilos at pinaghahanda ni Agriculture Secretary William Dar ang mga regional directors ng Department of Agriculture (DA) sa Eastern Visayas, Bicol, at Northern Mindanao kaugnay sa posibleng hagupit ng Bagyong Bising.
Ayon kay Dar, inatasan na niya ang mga regional directors ng DA sa naturang mga lugar na i-mobilize ang kanilang regional disaster risk reduction and management teams para mabilis na makapagresponde sa mga lugar na posibleng maapektuhan nang pananalasa ng bagyo.
Sinabi ni Dar na base sa isang report, mahigit125,000 hectares ng palay at 460 hectares naman ng mais ang nakatanim ngayon sa Region 8.
Kaya naman hinihimok na rin daw ni Eastern Visayas Director Angel Enriquez ang mga magsasaka sa kanilang lugar na kung maari ay maaga nang anihin ang kanilang mga pananaim.
Nauna nang sinabi ng Pagasa na dahil sa walang katiyakat sa track forecast ng Bagyong Bising, maari pa ring makaapekto ang masamang lagay ng panahon na ito sa Eastern Visayas o Bicol regions ngayong weekend hanggang sa darating na Lunes.










