-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Nagtala ng panibagong 44 na COVID 19 positive ang Region 2 nitong Biyernes kaya umakyat na sa 4,306 ang kabuuang bilang ang naitalang positibo sa virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Health Promotion Education Officer Pauline Kieth Atal ng DOH region 2 na umakyat na rin sa 569 ang active cases at sampong recoveries at tatlong naidagdag na nasawi.

Sinabi pa ni Health Promotion Education Officer Atal na ang total recoveries ay umaabot na sa 3,670 at umakyat na rin sa animnaput pitu ang nasawi dahil sa virus.

Ang naitalang isang namatay ay mula sa Cabagan, Isabela, isa rin sa Ballesteros, Cagayan habang ang isa ay mula sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang namatay sa Cabagan ay mayroong commorbidities pangunahin na ang Colon cancer at ovarian cyst.

Habang ang nasawi sa bayan ng Ballesteros ay mayroong diabetes at ang namatay sa Bambang ay dulot ng aksidente kung saan lumabas na positibo COVID-19 nang isailalim sa swab test.

Lumabas din sa talaan ng DOH na karamihang nasawing pasyente ay mayroong ng comorbidities.