-- Advertisements --

Napabalik-tanaw si Regine Velasquez kaugnay sa kaisa-isang beses umanong nag-away sila ng asawa at kapwa singer na si Ogie Alcasid, anim na buwan mula nang masailalim sa quarantine ang bansa bunsod ng coronavirus pandemic.

Ito ay naganap noong April 22, 2020, na nataong 50th birthday pa ng tinaguriang Asia’s Songbird.

Ayon sa 50-year-old singer/actress, ito ay yaong 30 minutes siyang na-stuck sa elevator ng kanilang tatlong palapag na bahay.

Regine Ogie house with elevator

Nakalimutan daw kasi nito na otomatiko palang nagla-lock ang elevator para matiyak na walang lalabas dito sa tuwing magdi-disinfect ng kanilang hagdanan gamit ang UV (ultra violet) light.

Labis daw nag-alala ang 53-anyos na si Ogie kaya napagtaasan siya ng boses for the first time sa loob ng halos 10 taong pagsasama nila.

“He got mad at me because he was frustrated. It wasn’t really his fault,” kuwento ni Regine nang mag-guest siya sa Facebook Live nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. kamakailan.

Sa panig ni Alcasid, hindi siya makakababa sa hagdanan para masaklolohan ang misis dahil bukod sa pinapatulog na ang kanilang anak, nakabukas din ang UV light na sinasabing masamang maka-expose sa tao.