Sa kabila ng pinagdaanan nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang relasyon ay tila wala na talagang makakapigil sa magandang pagtitinginan ng dalawa.

Ito ay matapos silang sabay na nagbahagi ng kanilang couple picture na may kalakip na caption na “dalawang taon” at kinumpirma na magkasintahan na sila.

Sagot sa dasal naman ang turing ng mga fans sa pag-amin ng loveteam at masayang-masaya daw ang mga ito para sa kanila.

Joshua Garcia and Julia Barretto (left), Dane Rhea Sillo (right)

Minsan nang sinubok ang relasyon ng JoshLia ng ma-link si Joshua sa isang female netizen na nagngangalang Dane.

Ito ay kung saan nag-iwan umano ng comment ang binata sa isang picture ni Dane na nagsimula ng usap-usapan na niloloko lamang umano ng aktor si Julia.

May mga kumalat pang fake facebook screenshots kung saan makikita ang palitan umano nila Dane at Joshua ng chats.

Iginiit naman ng female netizen na hindi totoo ang mga screenshots na kumakalat at sinabi pa nito na “Josh is for Juls.”

Inamin naman ni Joshua ang kanyang pagkakamali at personal niya umanong kinausap si Julia upang magkaayos silang dalawa.