-- Advertisements --

Muling magpapadala ng mga manggagawa ang Pilipinas sa South Korea ngayong buwan kasunod na rin nang pagluluwag ng entry restrictions sa naturang bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inatasa na ng DOLE ang Philippine Oversease Employment Administration (POEA) na simulan na ang proseso nang deployment ng mga manggagawa sa mga kalapit na bansa.

Ayon kay Bello, magdang balita hindi lamang sa mga OFWs ang pagluluwag sa entry permit system kundi maging sa mga Korean employers na matagal ding naghintay para sa pagbabalik ng kanilang mga empleyado.

Noong Biyernes, sinabi ng Ministry of Employment and Labor ng Korea na papayagan na nila ang pagpasok ng mga manggagawa sa ilalim ng kanilang entry permit system mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Inaasahang magsisismula ang pagpapasok sa mga OFWs sa ilalim ng entry permit system bago pa man matapos ang buwan ng Nobyembre.