-- Advertisements --
image 44

Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga isyu at hinaing ng grupo ng mga manggagawa kaugnay sa umano’y red-tagging sa mga miyembro ng labor union at sa mga aktibista.

Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment division chief Patrick Patriwirawan Jr., nakikipag-usap na sila sa mga stakeholder at naglatag na rin ng mga mekanismo para pag-aralan at siyasatin ang mga isyu at hinaing ng mga lupon ng mga manggagawa.

Sa oras aniya na mayroong makitang ebidensiya o wala, doon malalaman ang magiging polisiya.

Una rito, ilang grupo ng mga manggagawa ang matagal ng nananawagan para mawaksan na ng red-tagging ng trade union members at mga aktibista gayundin ang pagpapalaya sa mga nakadetineng unionists na umano’y inaresto dahil sa gawa-gawa lamang na mga kaso para patahimikin ang mga ito.

Ayon pa sa DOLE official nagpapatuloy ang dayalogo subalit hindi pa masabi ng opisyal sa ngayon kung kailan ito makukumpleto ngunit tiniyak naman ng DOLE na bukas sila sa pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder lalo na sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa bansa upang maupuan ang naturang usapin.

Top