-- Advertisements --
download 3 2

Sumaklolo na rin ang Philippine Red Cross – Cavite Chapter sa mga apektado ng fish kill sa naturang probinsya.

Magugunitang daan-daang sako ng isda ang naitalang apektado nito, kaya’t nagdulot ng hindi magandang amoy sa komunidad.

Dahil dito, nagbibigay na ng tulong ang PRC sa mga pamilyang naninirahan sa nasabing lugar.

Nabatid na simula noong Nobyembre 13, 2023, nakipag-ugnayan na ang PRC Cavite Chapter sa city social welfare and development office para sa angkop na tulong.

Bukod dito, namahagi sila ng daan-daang mask, 26 insulating mat at 26 blanket sa mga residente upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Una nang ibinabala ng mga eksperto na maaaaring magdulot ng sakit ang amoy ng mga isda, kung hindi agad matatangal sa tubig at maibabaon sa lupa.
Mahalaga ring matiyak na hindi ito mahalungkat ng mga asong gumagala sa naturang lugar.