Ipinag-utos ni Philippine Red Cross (PRC) chairman at CEO Richard Gordon ang pag-deploy ng water tankers, food trucks at iba pang essential facilities para sa mga nagsilikas na residente sa Negros Island dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon.
Kagabi pa lamang ay pinulong na ni Gordon ang kaniyang mga tauhan sa PRC sa pamamagitan ng online meeting upang tiyakin na maaagapan ang papadala ng tulong sa mga apektadong residente.
Aabot sa halos 8,000 katao ang tinatayang bilang ng mga naninirahan sa mga komunidad na malapit sa paanan ng bulkan na kinakailangang ilayo sa panganib dahil sa bantang dala ng aktibong bulkan.
Kaugnay nito, inalerto ng PRC ang kanilang chapters na karatig ng Negros Island para sa agarang pagsaklolo.
Ang PRC Negros Occidental sa Bacolod ay una na ring nakipag-coordinate kay La Carlota City Mayor at PRC Branch Chairman Dr. Rex Jalandoon para sa pagkikipag-ugnayan sa Municipality of La Castellana para sa paglalagay ng evacuation centers.
Sa naturang mga pasilidad ay naglagay sila ng first aid stations para sa pagbibigay ng medical attention at psychological first aid sa mga naapektuhang mamamayan dahil sa Kanlaon eruption.