Nausisa ang isyu sa mga reclamation projects sa budget briefing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong araw sa House of Representatives.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 Budget ng DENR, inusisa ni OFW Party List Rep. Marisa Magsino ang mga reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon kay Magsino, may proyekto para malinis na ang tubig sa Manila Bay, pero may mga nagtatambak naman para sa reklamasyon.
Giit ng mambabatas, nakakalito kung ano ang dapat gawin, linisin, dumihan o tambakan ang Manila Bay.
Tugon naman ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga, na suportado nila ang “suspension for review” na utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ukol sa iba’t ibang Manila Bay reclamation projects.
Aminado si Loyzaga na mayroong “contradiction” sa pagitan ng reclamation at rehabilitasyon dito, kaya naman mahalaga ang commulative impact assessment.
Sinabi ng Kalihim na mayroong pulong ngayong araw ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa unang batch ng mga “scientist” para sa “commulative impact assessment” kaugnay sa mga reclamation project sa Manila Bay.
Ang nasabing meeting kasama ang unang batch ng scientists. Ito ay all-Filipino team, pero kukunin din ang DENR ng external advice mula sa mga dayuhang experts.
Ang team naman ay binubuo ng chemical oceanographers, marine biologists, social scientists at iba pa.