-- Advertisements --

Nakuha ni Real Madrid at France striker Karim Benzema ang 2022 Ballon d’Or award.

Ang nasabing award ay ibinibigay sa mga magagaling na footballer sa buong mundo.

Nahigitan nito sina Sadio Mane ng Bayern Muncich at Kevin De Bruyne ng Manchester City.

Isinagawa ang awarding nitong Lunes ng gabi sa Theatre Du Chatelet sa Paris.

Naging malaking susi ang 34-anyos na si Benzema sa Champions League ng Madrid noong Mayo at patuloy ang pamamayagpag niya sa 2022-23 campaign.

Sa kaniyang talumpati sa pagkakuha ng award, sinabi nito na noong pang bata pa siya ay pangarap na niyang makuha ang nasabing pagkilala.

Si Benzema ay naging pang siyam na Ream Madrid Player na nakakuha ng award mula pa noong 2000 at pang-limang French man na ginawaran ng nasabing award.