ILOILO CITY – Tutuunan ng pansin ng Regional Development Council (RDC) sa Western Visayas ang paglaan pondo para sa pagpapatayo ng Iloilo-Guimaras Bridge.
Ito ang pangako ni Antique Governor Rhodora Cadiao sa kanyang pagbabalik bilang chairperson ng Regional Development Council kung saan sa Lunes, Oktubre 28, nakatakda siyang manumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Cadiao, sinabi nito na maging prayoridad niya ang nasabing proyekto para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Inihayag ni Cadiao na kahit ang tulay na lang sana sa Iloilo at Guimaras ang mas bigyan ng prayoridad upang maiwasan na ang nangyaring Iloilo Strait tragedy kung saan 31 ang namatay.
cAng nasabing proyekto ayon kay Cadiao ang maituturing na long-term plan at mayroon ng feasibility study.