-- Advertisements --
Aprubado na sa Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Mayroong 20 senador ang pumabor habang hindi pumabor si Senator Risa Hontiveros at nag-abstain naman si Senator Imee Marcos.
Dahil sa mayorya ng mga senador ang bumuto ng pumabor ay aprubado na ang pagsali ng Pilipinas sa RCEP.
Nakasaad kasi sa konstitusyon na dapat ay sumang-ayon ang Mataas na Kapulungan bago maging epektibo ang alinmang international treaty.
Kasama sa inamendahang naipasa ay ang pagpapatupad ng RCP ay nagbibigay ng otoridad sa Senado na inirekomenda sa pangulo sa bansa na kumalas sa nasabing kasunduan.










