-- Advertisements --

Kinumpirma ng Maynilad Water Services na ipagpapaliban muna nito ang nakatakdang rate increase sa susunod na taon bilang tulong na rin sa kanilang mga customers dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasama rin sa ipagpapaliban ng Maynilad ang inaprubahang rebasing adjustment para sa 2021 at pati na rin ang mandated CPI inflation increase ngayong taon.

Napagdesisyunan ito ng naturang kumpanya upang hindi na raw dumagdag pa sa araw-araw na problema ng kanilang mga customer.

Noong Oktubre nang magpatupad ang Maynilad at Manila Water ng pagbabawas sa water charges dahil naman sa pagbaba ng foreign currency differentail adjustment (FCDA).

Sakop ng serbisyo ng Maynilad ang West Zone ng Metro Manila concession area tulad ng Manila, ilang parte ng Quezon City, Makati City, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon.

Gayundin ang ibang parte ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa probinsya naman ng Cavite.