-- Advertisements --
Pinahiya ng Rain or Shine Elasto Painters ang TNT Tropang Giga 119-112 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng Painters si Demetrius Treadwell na nagtala ng 25 points, 24 rebounds habang mayroong 23 points si Andrei Caracut at 19 points naman si Rey Nambatac.
Nasayang naman ang ginawang 50 points ni Rahlir Hollis-Jefferson at 37 points ni Calvin Oftana para sa Tropang Giga.
Mayroon ng limang panalo at limang talo ang Rain or Shine habang ang TNT ay mayroong apat na panalo at anim na talo.