-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Rain or Shine ElastoPainters matapos talunin ang Converge FiberXers 112-111 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Ito na ang anim na sunod na panalo ng Rain or Shine.
Nagtapos sa conference ang FiberXers na isang panalo at 10 talo.
Nanguna sa panalo ng Painter ang import na si Tre Treadwell na nagtala ng 21 points, 17 rebounds at walong assists, habang mayroong 19 points ang naitala ni Beau Belga.
Tiniyak naman ni Rain or Shine coach Chot Reyes na mas magigiing agresibo na sila matapos na makapasok na sila quarterfinals.